Nasaan ang relief goods? – Ho

Nasaan ang relief goods? - Ho

Nagtataka na rin kahit si athlete-TV host Gretchen Ho kung bakit kulang ang natatanggap na relief goods para sa mga mamamayan.

Sa kanyang Twitter, nagkomento kahapon ang former volleyball star matapos magkagulo sa Sitio San Roque sa Quezon City kung saan nag-rally ang mga residente dahil sa kakulangan ng relief packs na dapat tanggapin sa national at local governments.

“Kahit yung trabahador po namin sa Brgy. Batasan Hills, wala pa ring natatanggap na relief goods. Nakadalawang lista na. Mukhang kulang.”

Maraming pamilya na rin ang apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon dulot ng coronavirus disease pandemic at nanawagan ng tulong sa gobyerno. (Janiel Abby Toralba)