Nasaan na ang resulta ng imbestigasyon sa PCSO?

Isang malaking pa­laisipan sa publiko kung anong pamamaraan ng imbestigasyon ang ginawa sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Noong una ay ginulat ang buong sambayanan na big­laang ipinatigil mismo ni Pangulong Duterte ang lahat ng laro ng PCSO tulad ng lotto, Keno, STL at iba pa.

Katwiran ng Pa­ngulo na ang umano’y matinding katiwalian sa PCSO ang nagbunsod sa kaniyang desisyong ito.

Bagama’t ikinagulat ng marami lalo na ang pangamba ng mga mawawalan ng trabaho.

Naniniwala ako na hindi gagawin ng Pangulo ang pagpa­patigil sa mga pasugal ng PCSO kung wala siyang natanggap na matibay na ebidensiya o basehan ng katiwalian.

Naunang naibalik na ang operasyon ng lotto at ang pinakahuli ay ang Keno.

Pero walang malinaw na pahayag sa kung ano ang resulta ng imbestigasyon at kung sino-sino ba ang mga inimbestigahan.

Hindi tuloy maiaalis na mag-isip kung sarsuwela o palabas lang ang pagpapati­gil kuno at pagbabalik agad ng mga pasugal ng lotto.

Isa rin sa dapat imbestigahan ang posibleng katiwalian sa mga advertisement ng PCSO lalo na ang ilang grupo na matakaw humingi ng ‘komisyon’.

Sana magpaliwanag sa publiko ang liderato ng PCSO sa pangununa ni Ge­neral Manager Royi­na M. Gama kung sa papaanong paraan humantong ang imbestigasyon at papaanong walang nakitang korapsyon na taliwas sa unang pahayag ng Pangulo.