tonite-imo-vinia-vivar

Ngayong lang na-reveal na naging MU (mutual understanding) ang dating magka-loveteam na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad (NLex). Mismong ang young actor ang umamin nito sa presscon ng pelikulang Class of 2018 under T-Rex Entertainment Productions.

“Naghiwalay po kami, Dec, 2016,” ani Nash, “so parang after nu’n, nag-usap kami. Kung baga, ako kasi ang tipo ng tao na ayokong mag-leave ng relationship na kung baga, may bad blood.

“As much as possible, kung maghihiwalay naman, ba’t di na lang maghiwalay nang ano (maayos)?”

Maraming factors kung bakit hindi nag-work ang relasyon nila. Unang-una na nga ay mga bata pa sila at ayon nga kay Nash, “we grew apart.”

Nag-mature raw sila at naiba na ang mga priority.

At dahil nga rito, understandable na naapektuhan na rin ang NLex loveteam hanggang nabuwag na nga ito.

Ayon kay Nash, sinubukan naman daw nilang ayusin ang relasyon at pinag-usap pa sila ng Star Magic (ang kanilang talent agency).

“Kung baga, trinay talaga po naming ayusin. Kahit ako – like, sinabi ko na rin ‘to – trinay kong ayusin pero siyempre, like nu’ng time na ‘yung 16 si Alexa and lumalaki na rin siya, nagkakaron na siya ng ibang friends, kung baga, nahuhubog na ‘yung perso­nality mo talaga, and nagi­ging sobrang madami na ‘yung differences.”

Ayon pa kay Nash, sa tuwing magkakaproblema sila ni Ale­xa ay talagang pinipilit niyang ayusin. “Parang tatlong beses ‘yung nagkakaproblema kami ni Alexa and trinay kong ayusin. Naalala ko, nag-away kami, tapos nag-baby bus ako – kasi wala akong kotse – para makapunta sa bahay nila para makipag-usap.

“So, trinay kong ayusin. Pero na-realize namin parehas na siguro nga, hindi kayang ipilit,” kuwento ni Nash.

Ano ba talaga ang naging problema nila ni Alexa?

“Priorities siguro, and siguro, ‘yung group of friends namin, nag-iba. Tapos siguro, nun’g time na ‘yun, wala ka­ming project together, so, hindi na kami laging nagkakasama.

“Tapos naga-album siya. Nagkaroon siya ng ibang group of friends, nagkaroon ako ng ibang group.”

Nilinaw rin ni Nash na walang third party sa kanilang relasyon at lalong hindi dahil kay Mika dela Cruz kaya sila naghiwalay.

Hindi man nag-work ang relasyon nila, ayon kay Nash, ay malaki ang pasasalamat niya kay Alexa.

“Thankful ako kay Alex din, kung baga, thankful ako na naging MU kami, kasi, in a way, blessing in disguise siya kahit hindi nag-work, pero natuto ako, eh. Kung baga, nag-mature ako sa lahat ng bagay,” sey pa ni Nash.

Samantala, pagkatapos ng heavy drama niyang The Good Son, itinuturing ni Nash na “banlaw” ang pelikulang Class of 2018 kasama ang mga dating kasamahan sa Goin’ Bulilit na sina Sharlene San Pedro, Kiray Cellis, CJ Navato and Kristel Fulgar.

“Sobrang bigat ng The Good Son, eh, kung baga, kailangang magbanlaw. Fee­ling ko, ito ‘yung banlaw din for me and for the audience rin,” sambit ni Nash.

Nag-enjoy daw siya talaga sa shooting since parang reunion nila ito ng mga kapwa-Goin’ Bulilit. Susubukan din dito ang tambalan nila ni Sharlene na matagal na ring inaasam ng NashLene fans.

Showing na Class of 2018 sa Nov. 7 at kasama rin dito ang 5 T-Rex Artists who are making their big debut sa nasabing pelikula na sina Shara Dizon, Hanna Francisco, Lara Fortuna, Aga Arceo and Renshi de Guzman.

Arra crush ni Ken

Hindi malaman ni Arra San Agustin kung seryoso ba o hindi si Ken Chan sa pagsasabing crush siya nito. Madalas daw kasing mag-joke ang aktor kaya minsan daw ay hindi na niya alam kung totoo ba o hindi ang sinasabi nito.

“Mahilig po kasi siyang magbiro, kahit ibang story, so, maniniwala ka talaga kasi ang galing niyang mag-act,” sey ni Arra.

May pagka-gullible pa naman daw siya kaya madalas daw ay naniniwala naman siya sa mga kuwento nito only to find out na joke lang pala.

Dahil nga vocal naman si Ken na crush siya nito, what if ligawan siya talaga? May chance ba? “Sa qualities po ni Ken, opo. Mabait po talaga si Ken. Kasi po syempre, ang mga babae, more of personality po tayo. So, nung nakilala ko po si Ken, lalo na nun’g mas naging close ko pa po siya, du’n ko masasabi na “ah, quality person ‘to.” Hindi lang po sa trabaho, hindi lang po sa work ethics niya pero as tao, masasabi kong mabuting tao po si Ken,” sey ni Arra.

Magkasama sina Arra at Ken sa My Special Tatay at dahil nga sa malakas nilang chemistry na sa nasabing serye, BoRol na ang tawag sa kanilang loveteam na pinaghalong karakter nila sa serye na Boyet and Carol.