
Ang haba-haba ng hair ni Mika dela Cruz sa tamis-tamisang mga post ni Nash Aguas sa Instagram tungkol sa kuwento ng kanilang bubot na pag-iibigan, na kailan lang naging official dahil finally ay naging sila na dahil sinagot na si Nash ni Mika.
Sa magkakasunod na post sa IG ay binalikan ni Nash ang nakakatuwang istorya ng pagkainlabey niya kay Mika, na nagsimula nu’ng mga paslit pa sila sa ‘Goin’ Bulilit’.
As in mga bagets pa sila ay crush na ni Nash si Mika, pero deadma raw ito sa mga pagpapapansin niya at tinatarayan pa siya.
Ang cute ng throwback emowt na ‘yon ni Nash dahil may kasama pang pics nu’ng childhood days nila. Kaya may ebidensiya ‘yung mga pagtataray sa kanya ni Mika. Ha! Ha! Aliw!
Ang sweet ng kuwento nu’ng unang pag-akbay ni Nash kay Mika, pati na ‘yung paggamot niya sa kapiranggot na sugat nito, pag-sleepover nila ng mommy niya kina Mika dahil taga-Cavite siya at kung anik-anik pa.
Nawalan sila ng communication nang pumunta ng US si Nash, tapos pagbalik nito ay awkward na dahil hindi na sila mga bata. Lumipat na rin sa GMA si Mika, so feeling niya ay kanya-kanya na sila at wala nang pag-asa pa.
May time daw nu’ng 2016-2017 na sobrang down si Nash at durog ang pagkatao niya. Iyakan daw sila nang iyakan ni Igi Boy Flores dahil pareho silang sawi.
Hanggang sa August 2017 na parang magic na nagkita ulit sila ni Mika at doon na nagsimula ang lahat. Hanggang sa niligawan na niya ito at nitong Oktubre lang ay sinagot na siya.
“Sa bandang huli, siya din pala ang bubuo sa akin,” ang pamatay na caption ni Nash sa sunset pic nila ni Mika na kuha sa isang beach.
Hindi nagpakabog si Mika sa senti post na ‘yon ni Nash at may mahaba rin itong hanash sa IG.
Sey ng tisay na dalaga, “Teka lang!! Sinimulan eh tapusin ko nga. So nakwento niya na naman yung flow nung istorya namin… actually maraming nakakaalam nu’ng kwento namin simula bata, pero marami ring hindi. Sa totoo lang guys, kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na ‘Love Rosie’ ‘yun ang eksaktong kwento.
“So ayun, bago pa ‘Goin’ Bulilit’, magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na ‘Tiyanaks’.
Takang-taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. Nung pumasok ako sa ‘GB’, naging friends kami at lagi ko na siyang binu-bully… hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!)
“Kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong mag-boyfriend hanggang mag-18 ako. Dun ako nag-start maging sobrang boyish, at sobrang na-brozone ko si Nashie!
Tawagan pa nga namin dati ‘TOL’ online games (crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami.
“Mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack up magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan. Ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si Kuya Philip, Kuya Reyjohn, at si Nikki.
“Halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. Magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO’T PUSA to be exact. Lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA.
“Hindi kasya dito kung ikukwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon… pero umabot din kami sa point na life happened. Akala namin talagang di na kami magkikita. Pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nag-mature kami.
“Nang biglang… isang araw, pa-children’s book na to eh no… Nagkita kami at boom. To be continued… Salamat sa 12 years,” nakakatuwang kuwento ni Mika, na sinagot ni Nash ng, “Competitive ka, ha! Hahahahahaha!”
Hangkyut lang ng young love story ng MikAsh. At benta sa amin ‘yung hirit ni Mika na ang aaga nilang lumandi! Ha! Ha! Ha!
***
Contis tiklop sa dyowa
Proud girlfriend si LJ Reyes kay Paolo Contis na ang daming pumupuri sa pinakitang akting sa first movie nito bilang isang leading man na ‘Through Night and Day’.
Sey ni LJ after mapanood ang pelikula, “We are so proud of you! (Aki, baby and I). Thank you for sharing your talent with all of us! I don’t think a lot of people know how truly talented you are!
“Sabi ko nga sa ‘yo, your range is so wide!!! Imagine, you can do comedy and drama. You write your concept and script. You sing! (Uyyy nasa Spotify na sya!!! Haha!) pero ang pinaka-talent mo talaga dancing eh!!! Best dance number mo Mmmbop!!!
“But you know what fascinates me? It’s that now I see where all these root from! Your golden heart. Akala ng tao, siga ka. Pero totoo tiklop ka sakin! Sa liit kong to??? Hahaha!!! Joke lang!
“Pero ang totoo, when you give your heart, you give it all. You give your whole heart to people you love, to the things you are passionate about. And all I pray is that you never get tired, and continue to show everybody more of what you can do! Dito lng kami. Congratulations on your #ThroughNightAndDay! It’s a movie no one should miss!”
Ngayon ang showing sa mga sinehan nationwide ng ‘Through Night and Day’ na kapareha ni Paolo si Alessandra de Rossi.