Nash umiyak nang sagutin ni Mika

tonite-pak-allan-dionesPang-“TV Patrol” daw ang iyak ni Nash Aguas nang sagutin siya ni Mika dela Cruz.

‘Yun ang masayang kuwento sa amin ni Nash kahapon sa mediacon ng suspense-thriller movie na “Class of 2018”.

As in ngawa raw talaga ang iyak ni Nash dahil after one year ng panliligaw ay sinagot na siya sa wakas ng girl na maliliit na bata pa lang sila sa “Goin’ Bulilit” ay crush na crush na niya.

Natatawang throwback tsika ng 20-anyos na binata, binibitbit pa niya noon ang bag ni Mika at nagpaparamdam talaga siya na gusto niya itong maging girlfriend.

Kaya lang ay takot daw si Mika sa Ate Angelika dela Cruz nito, so tinatarayan daw siya nito at hindi siya pinapansin. Hanggang dumating sa point na napagod na raw siyang umasa.

Nang sagutin siya ni Mika nito lang October 20 ay binigyan siya nito ng 15-page letter kung saan sinabi ang side nito, kung bakit nito ginawa ‘yung mga ginawa nito nu’ng mga bagets pa sila.

It turned out na gusto rin pala siya ni Mika nu’ng mga panahon na ‘yon.

Nang magdalaga’t magbinata na sila, akala raw ni Nash ay hindi na sila magkikita. But after 2 years ay nagkita raw sila nito sa reunion ng “Goin’ Bulilit”.

At that time ay 2 months nang break si Nash at ang dati niyang ka-lovetam na si Alexa Ilacad.

Kuwento ni Nash, naghiwalay sila ni Alexa nu’ng December 2016. Nang mag-break sila ay doon na rin nawala ang NLex loveteam.
In fairness ay nag-try naman daw siyang ayusin ito at pinag-usap pa silang dalawa ng Star Magic, pero sobrang dami na raw nilang differences ni Alexa.

Na-realize nilang hindi na nila puwedeng ipilit. Nag-iba na kasi ang mga priority nila at pati group of friends nila ay magkaiba na rin.
Nilinaw ni Nash na hindi naging sila ni Mika habang sila pa ni Alexa. Ang alam niya ay friends pa rin sila ni Alexa ngayon dahil nag-uusap naman daw sila nito at nagmu-mall show pa sila na kumakanta sila together.

Iba ang tamis ng mga ngiti ngayon ni Nash at masaya raw ‘yung feeling na nasasabi niyang girlfriend na niya si Mika.

Takot na takot daw siya dati sa Ate Angelika ni Mika, pero ngayon ay ang bait daw nito sa kanya at sobra siyang thankful na pinagkakatiwalaan siya nito.

“Siya talaga,” ang naka­ngiting sambit ni Nash about Mika, na sigurado na raw siyang “She’s the one”.

Ang galing din daw na walang conflict sa kanila kahit magkaiba sila ng network dahil taga-GMA si Mika.

Hindi si Mika kundi si Sharlene San Pedro ang kapareha ni Nash sa “Class of 2018”.

Alam ni Nash na mara­ming NashLene fans na naghihintay ng movie nila ni Sharlene, na noon pa ay very close na sa kanya.

Kahit may swit-switan moments sila sa movie, ayaw raw nilang magpanggap na may something sila ni Sharlene dahil unfair din ‘yon sa mga tao.

Natuwa si Nash na um-action star siya sa pelikula at lumabas daw ang pagka-Cardo Dalisay niya rito. Ang sarap daw bumaril at makipag-fight scenes.