Personal na dinamayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residenteng nasunugan sa Barangay 645 sa San Miguel, Maynila.

Pasado alas-siyete ng gabi nang magtungo si PDu30 sa Regal Parish and National Shrine of Saint Michael and the Archangels (San Miguel Church) sa Malacañang kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga residente na naapek­tuhan ng naganap na sunog.

Namahagi ang Pangulo ng cash at food packs sa bawat pamilya.

“Akin lang sa opisina ko ‘to…. DSWD will provide food packs with the contents… rice six kilos, three cans of corn beef, three cans of meatloaf, six sachets of 3-in-1 coffee additional blankets, bottled water, pati… banig… Ako small-time naman ako tanggapin lang din ninyo puwede na P5,000 per family?” paghahayag ni Duterte.

Galak na galak naman ang mga residente sa tulong na ipinaabot ng Punong Ehekutibo.

Para mapagaan ang pakiramdam ng mga nasunugan ay hindi na rin naiwasan pa ni Duterte na magbiro.