Walang nakalaang pabahay ang ­National Housing Authority (NHA) para sa mga informal settlers na nasunugan sa paanan­ ng tore ng ­National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa harap ito ng paghirit ng mga pamil­yang nasunugan sa mga bahay na nakatayo sa ilalim ng tore ng NGCP sa Barangay Alabang, Muntinlupa na bigyan sila ng malilipatang pabahay.

Ayon kay Elsie Trinidad, tagapagsalita ng NHA, walang programa ang ahensya para sa mga natu­rang nasunugang residente.

Nilinaw nito na sa programang pabahay ng gobyerno, prayoridad ang mga ilegal na naninirahan sa nasa walong pangunahing waterways sa Metro Manila.

Tinukoy ni Trinidad na aabot sa 140,000 pamilya ang kanilang sinimulang ilipat sa mga relocation site simula pa noong 2012.

Diin pa ni Trinidad, sakop ng mga lokal na pamahalaan ang problema sa mga informal settler na nasa paanan ng tore ng NGCP.

Kinunsinti umano ng mga lokal na opisyal ang paninirahan sa ilalim ng tore ng NGCP kaya’t sila ang nararapat na unang umaksyon para mahanapan ng malilipatan­ ang mga apektadong pamilya.­