Isang babae ang nahuling lumabag sa curfew matapos niyang magpa-rebond.
Sabi sa Facebook post ni Bocaue, Bulacan Counsellor Rico Navarro, noong Abriol 20 nadakip ang babae bandang alas-9:30 ng gabi at pauwi na ng bahay matapos magpa-rebond.
Inamin umano ng babae na nang makatanggap siya ng P6,500 na ayuda mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development ay nagpa-rebond ito.
“Tatlong katao po ang aming nasakote kagabi (april 20) na lumabag po sa curfew kasama rito ang dalawang mag asawa na nag aaway sa ilalim ng flyover bandang 9 ng gabi at isang babae na naglakakad sa crossing pauwi dakong 9:30 ng gabi na umaming nagparebond siya nang makatanggap ng ayudang 6,500 mula sa dswd,” wika ni Navarro sa post. (IS)