ISA sa natutuwa na titira soon sa bahay nina Regine Velasquez-Alcasid ang stepdaughter niyang si Leila Alcasid ay ang anak nina Regine at Ogie na si Nate.

Happy si bagets na titira sa kanila si Leila dahil lagi nitong nami-miss ang dalawang sisters nito na nasa Australia.

Recently, nu’ng mag-stay dito for a month si Michelle Van Eimeran and hubby Mark Murrow kasama sina Leila at Sa­rah, pag-alis ng mga ito ay ang lungkot ni Nate.

Kaya natuwa si ba­gets na malapit na niyang makasama sa house ang kanyang Ate Leila.

Kuwento ni Reg, ang reaksyon ni Nate ay, “Finally, I’m gonna have a playmate!”

Malakas ang feeling namin na pag nandito na si Leila ay malamang maengganyo itong mag-showbiz, na kinatatakutan ni Ogie.

Maging si Regine ay mas gusto na magbakasyon lang dito si Leila at humila-hilata sa bahay nila kesa mag-artista o kung anuman.

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Katwiran ni Songbird, mahirap na dahil baka hindi nila ito maprotektahan pag pinasok nito ang mundo ng showbiz.

“I was telling my husband, ‘As mush as possible, let her enjoy her private life, because our world is really different.’”

“So, kung ako ang tatanungin n’yo, ayoko! Ha! Ha! Ha!”

“Ewan ko sa kanya (Leila), pero si­yempre, influence niya ‘yung tatay niya. Nakita niya na you know… so, hindi mo rin naman maaalis du’n sa bata.”

“Pero natutuwa ako sa kanya kasi, bukod sa ang ganda-ganda niya, ang bait-bait niya,” papuri ni Regine sa panganay ni Ogie, na by January 2017 ay tapos na ng college sa Sydney kaya gusto muna nitong tumira sa Pilipinas.

One Response