NAKAKAALIW na katsikahan ang Siphayo star na si Nathalie Hart.

Hindi kasi siya ‘yung tipong paliguy-ligoy. Kahit ano ang itanong mo kay Nathalie, deretso niyang sasagutin.

Aminado si Nathalie na hindi lang ang screen name niya ang pinalitan sa kanya (sa pangalang Princess Snell siya unang nakilala sa Starstruck ng GMA 7).

Pati ang laki ng kanyang boobs, pinalitan din.

Pero hindi exaggerated ang idinagdag sa kanyang boobs, tama lang sa frame niya.

“So, from 32B, naging 32C na siya ngayon. Hindi naman ako nagpadagdag nang sobra-sobra.

“Hindi naman ‘yung from 32B, eh, pinagawa kong 36C. Hindi ganoon kalala. Hindi na kasi bagay sa frame ko kung sobrang laki naman.

“So, konti lang talaga ang pinadagdag ko at hindi ko naman kailangang i-deny pa ‘yon,” sabi ni Nathalie.

Hindi takot magka-breast cancer si Nathalie dahil hindi kalakihan ang ipinadagdag niya sa boobs.

Sa pelikulang Siphayo ni Direk Joel Lamangan, makikita ang “pisngi” ng isa sa dalawang “bundok” niya.

Hanggang kahapon nang tanghali, hindi pa niya alam kung ano pa ang mga nakita sa kanya sa pelikulang ‘yon dahil kagabi pa lang ang premiere nila sa SM Megamall.

“Mamayang gabi ko pa po mapapanood ang pelikula. Hindi po nila ipinapanood sa akin ‘yung pelikula after ng editing.

“So, kung ano po ang mapapanood mamaya ng mga manonood ng premiere night namin, ‘yon din po ang mapapanood ko for the first time.

“Gusto nga po ng Mommy ko manood, pero sabi ko naman, huwag na lang. Sa re­gular showing na lang siya manood, kasi, baka kung ano pa ang nakita sa akin sa pelikula at baka kung ano pa ang masabi ni Mommy.

“Bisaya po kasi ang Mommy ko at baka kung ano ang maging reaction niya sa Siphayo.

“Noon pong shooting ng pelikula, hindi ko naman po ikinakaila na umiyak po ako sa love scene namin ni Joem Bascon.

“Ayoko po sanang gawin kasi nagulat ako. Naisip ko, bakit ganoon, bakit parang porno?!

“Pumasok po ako sa bathroom. Tinext ko po ang manager kong si Tito Leo (Dominguez). Naiyak po ako.

“Then sumunod na po sa bathroom ‘yung ­producer namin, ­‘tapos si Direk Joel.

“Sabi po ni Direk Joel, he’s not a porno director para mag-isip ako ng ganoon. Never daw siyang gumawa ng porno at aware daw po ako na may ­ganoong eksena dahil nabasa ko po ang script.

“Hindi lang po ako napagalitan ni Direk Joel, ­takot na takot po ako sa kanya noon dahil natalakan niya ako.

“Noong matapos naman po namin ang shooting ng Siphayo, lumapit sa akin si Direk Joel.
“Nag-thank you po siya at sinabing I’m a good actress daw. ­Nakakatuwa po talaga ang sina­bing ‘yon ni Direk Joel. Nakakataba po ng puso!” sey ni Nathalie.

May plaster daw siya sa eksenang ‘yon. May plas­ter din daw sa harap si Joem, pero nagpakita ito ng puwet.

Sa tingin ni Nathalie, makinis ang behind ni Joem, pero hindi raw niya sad­yang tiningnan ‘yon. Nakita lang niya, pero hindi niya tini­tigan.

Hindi rin sure si Nathalie kung “tinablan” ba si Joem sa eksena nilang ‘yon sa Siphayo.
Wala siyang na­ramdaman kay Joem dahil naka-plaster ito.

Aminado si Nathalie na sa isa sa mga pelikulang nagawa na niya, me­ron siyang isang leading man na “tinablan” pero ayaw niyang sabihin kung ano ba ang naramdaman niya sa leading man na ‘yon para masabi niyang “tinablan” ito sa kanilang eksena.

Ipapalabas ang pelikulang Siphayo (Rated R-16) sa mga sinehan ng SM, kaya tuwang-tuwa si Nathalie.

Nasa cast din ng mo­vie sina Luis Alandy, Alan Paule at Maria Isabel Lopez.

One Response