Mapusok sa IWant ang Lem Lorca’s “Sunday Night Fever” pero kung sa sinehan ito sinugal, may chance na titipak ito sa takilya.
Bakit kaniyo? Aba, kasi naman grabehan ang kuyanyangan nina Nathalie Hart at Diether Ocampo, wagas na wagas at mananalig kang parang sarap na sarap sila sa isa’t-isa at sa kanilang ginagawa.
Kung sa mga sinehan ito inilaban, tiyak mabubura na ang pagiging laos ni Papa Diet dahil panalong-panalo ang kanyang katawang pang-romansa. Ang kinis-kinis pa at parang lagi siyang amoy bagong paligo. He has grown handsomely as he matures in years, sa true lang.
Palaban kung palaban rin si Nathalie sa pakikipaglaplapan at kainan.
At literal ang kainan nila ni Ocampo, huh! Andiyang may whip cream na pinapahid sa kung saan-saang bahagi ng mga katawan nila tapos didila-dilaan. May chocolate syrup rin na naglalawa sa kanilang mga bibig. May eksena pa ngang may strawberry na kinakagat-kagat itong si Hart tapos pinapahid sa katawan ni Diet. Super hotness ang eksena nilang dalawa na parang walang camera at hindi na sila umaakting.
Sana, bumongga muli ang karera ni Hart lalo na nga’t may acting nomination na siya sa URIAN. Ibig sabihin nu’n, hindi siya bano pagdating sa pag-arte at malaking-malaki ang potensyal niya sa pagiging aktres.
Si Diet naman, naway makakawala na siya sa pagiging president ng League of Extra Ordinary Has Beens dahil with his well maintained physique at good looks, pwedeng-pwede pa siyang maging leading man muli.
Paulo, Janine may mapanuksong patikim
Ang mga katoto at kaibigang totoo ko sa panulat, alam na alam na nila na maliban kay Xian Lim, ang isa pang artistang lalaki na mahal ko talaga ay si Paulo Avelino.
Kaya nga, matapos kong mapanood ang mapanuksong patikim na “Ngayon Na” trailer, ang puso ko, gustong sumigaw, maglulundag sa tuwa kasi, the best talaga si Ginoong Avelino pag siya ay romantic lead at may dramang reluctant lover na ayaw sa mga label.
Ang diva that you love, sobrang naka-relate ako sa linya mi Janine Gutierrez na sinasabi kay Paulo na: “Ang tagal na nating magkaibigan, pwede na ba?” Juice colored! Ouch! Bull’s eye! Sigurado bang walang access ang manunulat ng pelikula ni Prime Cruz sa diaries ko? Grabehan naman kasi yung tanong ni Janine. Parang may tinanong na ako na ganyan rin eh, Huwag niya tanungin kung ano ang sinagot at mag-asawang sampal ang matatanggap niyo. Hahahahaha.
Bagay na bagay na talaga ang tambalan nina Avelino at Janine, match made in cinematic heaven, ika nga. Walang duda na mas marami pang haplos sa puso moments ang paparating na pelikula, huh!
Naku, FG Rex Tiri of T-Rex Entertainment, you have a sure winner on this one. Kaka-in-love! Kaabang-abang.
Hindi pwedeng ikaila na matagumpay ang pagbabalik ni Julia Montes sa telebisyon. Ang patotoo diyan, ang impressive ratings ng 24/7 na ang pilot episode, 27% audience share on a Sunday, ayon iyan sa Kantar Media.