Nathalie hiwalay sa dyowa?

Nathalie hiwalay sa dyowa?

Balik-Pilipinas ang Filipina-Australian actress na si Natalie Hart. Nagsilang siya ng kanyang first baby sa kanyang Indian businessman fiancé na si Mayank Sharma.

Isang cute baby girl ang isinilang niya sa Australia.

Kung nu’ng isang taon ay very vocal si Natalie tungkol sa kanyang Indian national fiancé, lately ay wala ito gaanong binabanggit tungkol sa ama ng kanyang anak lalo na sa kanyang social media account. Hiwalay na kaya ang dalawa?

Bago mag-maternal leave si Nathalie ay sinabi nito na dalawang beses umano silang ikakasal ni Mayank, isa sa Australia (naka-base ang pamilya ni Nathalie) at isa sa India na naka-base naman ang family ni Mayank. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kasalang nangyayari. Ano kaya ang nangyari lalo pa’t siyam na buwan na si Baby Penelope?

Samantala, ngayong malaki-laki na rin si Baby Pen, magbabalik-showbiz si Nathalie sa tulong ng kanyang manager na si Leo Dominguez.

Huling teleserye ni Nathalie ang “The Blood Sisters”.

***

Mag-inang Flor, LA tutukan sa ‘Celebrity Talk’

Tunghayan ang “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite website, Facebook and YouTube channel bukas, Lunes, October 21, 12 to 1PM. Tampok ang mag-inang Florita Santos at ang singer-actor na si LA Santos na dumanas ng ADHD (attention deficit hyperactivity disorder). Alamin ang mala-Cinderella story ng successful businesswoman-turned concert producer na si Florita. Pati na rin kung paano niya na-handle ang kanyang may ADHD son.