ITINANGGI ng baguhang sexy star na si Nathalie Hart na nagparetoke siya ng mukha bago niya ginawa ang launching movie niyang Siphayo na dinirek ni Joel Lamangan.
Matagal na kasi naming kilala si Nathalie dahil sumali ito sa Starstruck 5 bilang Princess Snell.
Sabi ng 24-year old sexy actress, malaki talaga ang nabago sa kanya noong sumali siya sa Starstruck dahil 16 pa lang siya noon.
Kung tatanungin siya ng mga tao kung ano ang pinabago niya, ang boobs niya na ipina-inject para medyo lumaki.
“Nagpa-inject ako sa boobs. Nagpa-inject lang naman. I was 32B, I’m now 32C,” pakli ni Nathalie.
“Gusto ko lang kasi, para may konting enhancement lang, na may konting cleavage lang.
“Inject lang ‘yun, kasi ayoko ng silicon. Kasi kapag silicon, tayung-tayo na parang nakahiwalay. Gusto ko naman, may konting bagsak na parang natural pa rin,” dagdag niyang pahayag.
***
Pinaghandaan ni Nathalie ang pelikulang ito dahil aware siyang mapapasabak siya sa hubaran.
“Before ko sinimulan ang film, I did a lot of preparations, ‘yung workout, diet, saka pinaitim nila ako dito sa movie. Nagpaitim talaga ako,” kuwento ni Nathalie.
Akala ni Nathalie, mamaniin niya ang daring scenes na gagawin niya sa Siphayo. Hindi raw pala.
Kasama niya rito sina Luis Allandy, Joem Bascon, at Allan Paule at may sex scenes siya sa tatlong aktor.
Akala niya, kayang-kaya niya, hindi pala. Kaya sa second day of shooting, nag-attitude na siya.
Noong kinunan ang sex scene nila ni Luis, nag-iiyak siya pagkatapos ng take.
Tumakbo siya ng CR at nag-iiyak.
Dagdag na tsika pa ni Nathalie; “Sabi ko sa kanya, ‘direk, I don’t want to be a porn actress. I don’t want to be like this. Hindi ko naman po ‘to gustong gawin.’
“Tapos sabi niya sa akin, “I am not a porn director! I am a proper director, and this film needs nudity. You accepted it, you have to do it,” natatawang kuwento ni Nathalie.
Pagkatapos nilang mag-usap ni direk Joel, medyo kampante na siya sa ibang love scenes kina Joem at Allan.
Pero kung puwede, ayaw niyang panoorin ito ng Daddy niya. Iniisip niya, baka hindi siya makapag-asawa kapag napanood ng mga kalalakihan itong pelikula niya.
Sa October 5 ang showing ng Siphayo, na rated R-16 without cuts ng MTRCB.
Sa October 3 ang premiere night nito sa Megamall.
your manager and other in charge to your career is making like a prostitute. Think before you do it.
porket sexy, prostitute n agad agad. hindi b pwedeng starlet lang talaga ang arrive