Nathalie naudlot ang kasal

Hindi pala natuloy ang kasal ni Nathalie Hart sa kanyang Indian boyfriend at ama ng kanyang anak na si Mayank Sharma.

Nagbabalik-showbiz si Nathalie after niyang manganak sa Australia at tumira nang ilang buwan sa pamilya ni Mayank sa India. Nasa kanya ang daughter nilang si Penelope.

“Well, we’re on a break. I’m here to work and he’s there (sa India) to study as well. So, kailangan namin asikasuhin ‘yung future namin pareho, pero I just don’t think it’s time for me to move there na wala pa akong masyadong naiipon for myself.

“Siguro, nu’ng time na ‘yon, I was so in love and everything. I thought it was a romantic film. But you know, you have to be an adult and you have to work and you have to be stable for the family,” sey ni Nat sa presscon ng iWant original movie na “Barbara Reimagined”.

Sa tanong kung sila pa rin ba ng Indian boyfie niya, ang sagot ni Nat ay, “Yes, we are.”

Itinanggi ng 27-anyos na aktres ‘yung na-blind item na sinasaktan daw siya ng nobyo niya.

Wala raw gano’n. At hindi rin sila naghiwalay. Sinusuportahan daw ni Mayank ang anak nilang si Penelope.

Sey ni Nathalie, bumalik siya sa showbiz dahil hindi niya lifestyle ‘yung nasa bahay lang. Iba raw ang fulfillment ng may sariling career.

Nahirapan daw siya nu’ng nasa India siya dahil ‘pag may asawa roon ay nasa bahay lang at mag-aasikaso ng anak.

Gusto niya raw talagang magtrabaho, so nu’ng mawala siya nang halos isang taon ay longest time of her life daw ‘yon at parang ang tagal-tagal ng oras.

Nanganak si Nat sa mom niya sa Sydney, tapos ay pumunta na siya ng New Delhi kung saan siya mas matagal na tumira after giving birth.

Mahirap daw ang buhay doon bilang wala siyang ibang kamag-anak sa India. So, umiiyak siyang mag-isa. As in wala raw siyang makausap kaya naranasan niya talaga ang postpartum depression.

Aniya, stressful magkaanak at hindi madaling maging nanay. Nagpa-breastfeed daw siya na tinigil lang niya nu’ng 7 months na si Penelope.

In fairness ay parang mas sumexy pa ngayon si Nat. Nag-workout daw siya at nag-diet.

Kaya pa rin daw niya ang sexy roles, basta hindi porn. Sana raw ay bigyan siya ng series ng iWant. Keri niya raw magpakita ng puwet bilang walang censorship doon.

Talaga, handa siyang magpakita ng puwet?

“Joke lang! Para lang masaya ‘yung interview! Ipakita ko na lang sa inyo, guys! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tisay na hot momma.

Mainit ang laplapan nila ni JC de Vera sa “Barbara Reimagined” at may shot na wala siyang bra habang nakapatong sa kanya si JC. Nakita ang sideboobs ni Nathalie at kulang na lang ay lumitaw ang kanyang nipples.

Ang bago at sexier version na ito ng horror movie na “Patayin sa Sindak si Barbara” ay nag-premiere screening sa 2019 Cinema Originals filmfest nu’ng Biyernes.

Puwede nang i-stream ang “Barbara Reimagined” sa iWant app (iOs and Android) o sa iwant.ph. Sina Benedict Mique at Christopher Ad Castillo ang nagdirek nito.

Martin nagbigay-pugay sa RitKen

Kung si Alex Gonzaga ay balitang hindi pinansin ang RitKen love team nina Rita Daniela at Ken Chan nu’ng minsang magkita-kita sila sa isang airport, ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin ay buong ningning na nagbigay-pugay kina Rita at Ken.

Nagkasabay sila before sa NAIA (yes, airport din ang setting) at nakakatuwa dahil si Coco pa raw ang naunang lumapit sa Kapuso love team.

Kuwento ni Ken, nakita na nila ni Rita si Coco, pero nahihiya silang lumapit dito. Ang sabi raw nito sa kanila, “Pasensiya na, hindi ko kayo agad nakita.”

Tsika ni Ken, “Niyakap niya (Coco) kami. Tapos, siya pa mismo ang nagsabi sa amin na idol niya kami.”

Dugtong ni Rita, “Sabi ko, ‘Sir, papiktyur po kami.’ Tapos, sabi niya, ‘Hindi, ako nga dapat ang magpapikyur sa inyo, kasi idol ko kayo!’”

Nanonood pala noon si Coco ng “My Special Tatay”?

“Yes, sinabi niya sa amin,” masayang sagot ni Rita.

“Sobrang nakaka-touch talaga. Ang tawag niya sa amin, Audrey and Boyet. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Ken.

Dagdag ni Rita, “Oo, sabi niya sa amin ‘yon nu’ng nakita niya kami. Nakaka-overwhelm, kasi ‘yung team pa niya pa ‘yung nag-post ng picture namin together. Sila talaga ‘yung nauna. Nakaka-overwhelm po ‘yung gano’n.”

Ah, so may magandang experience pala sila na ganu’n sa airport (with Coco) and after that ay hindi kagandahan ‘yung sunod nilang na-experience (with Alex naman).

“Basta ‘yon, sobrang bait ni Coco,” patay malisyang sey ni Ken.

After ba nu’ng Alex incident at nagkaroon sila ng phobia na bumati sa ibang celebs na makikita nila?

Ani Rita, “Hindi, wala, wala namang dapat na maging gano’n.”

Nakakatuwa ang RitKen dahil magkasama silang ipinakilala kahapon bilang bagong ambassadors ng Beautéderm, pero hindi naman daw sila package deal.

Tumawag mismo ang butihing CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan kay Ken nu’ng panahon ng “My Special Tatay” dahil nanonood ito ng nasabing Kapuso serye.

Sey ni Ken, gusto na rin pala sanang kunin ni Ms. Rei that time si Rita, kaya lang ay may iba pa itong ineendorso. Ngayon ay magkasama na ang dalawa at nakakaaliw sila sa presscon kahapon.

Si Ken ay sobrang love na love ni Ms. Rei at nawawalang anak daw ito ng Beautéderm CEO.

As of kahapon ay 42 na ang celebrity ambassadors ng Beautéderm, na ang target bukod sa pagkakaroon ng 100 branches ay mapaabot din sa 100 ang kanilang celeb endorsers.