Hindi malayong pag-interesan ng mga hackers ang database ng Filipino ID Card kapag naipatupad na ang National ID System lalo na’t walang inilagay na parusa sa mga gagawa nito.
Ito ang kinatatakutan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaugnay ng panukalang national ID system na ipinasa na sa House committee on population and family relations.
“Pansinin niyo ‘yung batas, it will prohibit the disclosure of personal information pero walang penal provisions sa pagli-leak at pagha-hack,” pahayag ni Brosas ukol sa panukala.
Dahil dito, sinabi ni Brosas na pag-iinteresan ng mga hackers ang database ng FilCard, dahil naglalaman ito ng mga personal information ng lahat ng mga Filipino na may edad 18 anyos pataas.
Sinabi naman ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na bagama’t kailangang pagkatiwalaan ang gobyerno sa mga impormasyon, mahirap aniya itong gawin sa kaso ng FilCard dahil sa kapangyarihan ng teknolohiya ngayon.
“There’s a problem now in trusting current government, even the previous government with the power of information that we have,” ani Casilao dahil wala naman aniyang napaparusahang mga hackers.
Inihalimbawa ng mambabatas ang Comeleaks, kung saan na-hack ang Comelec at nakuha ang mga impormasyon ukol sa milyun-milyong botante subalit wala aniyang napanagot.
Dahil dito, kontra umano ang dalawang nabanggit na mambabatas sa nasabing panukalang batas dahil bukod sa walang itinakdang parusa sa mga hackers ay vulnerable na umano sa publiko ang mga pribadong buhay ng mga Filipino kapag nagkataon
Base sa nasabing panukala, ang tanging paparusahan ay ang mga opisyales ng gobyerno na maglalabas na impormasyon ukol sa nilalaman ng ID ng isang Filipino na walang pahintulot ang korte at ang hindi pagkilala sa ID.
May parusang anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at multang mula P50,000 hanggang P500,000 sa lalabag sa mga probisyon sa nasabing panukalang batas.
Ayaw lang ninyong mabuking kung sino-sino ang mga Inpe-ey sa bansa. Ganun lang ka-simple un.
sa lahat ng kumukontra basta may masabi lang ay agad ng magasalita, mag research muna kayo sa mga bansang meron ganito at anong kabutihan at kasamaan ang naidudulot nito bago kayo kumontra, kaya walang pag asenso ang pinas dahil sa mga bulok na pagiisip.
Wala pinag kaiba yan sa isang Atm machine na nsa tabing kalye. Kailangan ng taong bayan pero Delikado. Baka manakakaw.
National id system matagal ng meron ang mauunlad na bansa. Mas mabilis ang transaksyon. At madali mahuli mga terrorista. Ang problema nga lang. ang gobyerno na hahawak nyan. Ay may sarili interes laban sa mga oposisyon.
Mganda ang NI system. Sa bansa sa panahong pinamumunuan ng walang sayad na pangulo
Hindi mananakaw yan. Lalo na ang identity mo. Karamihan ng bansa dito sa southeast asia meron nyan. Pilipinas lang wala.
Marami pa kasing meron talangka sa Pilipinas. Ayaw mabuking kung sino ang mga enpe-ey. Panay batikos sa mabagal na pag-unlad ng bansa, mga tulay pinapasabog. MGa ungas.
Di ikaw na magaling eh Mang Kanor parang ikaw ang may sayad, ang lagi lang kumokontra dyan yung makakaliwa at itong mga Makabayan Bloc kung wala ka naman krimen na nagawa at law abiding citizen ano ikatatakot mo? kaya hirap ang mga Pilipino sa pag aaply pa lang ng trabaho dahil napakaraming ID hinahanap sa Europa pag nagpunta sila sa mga member states ng Euro ID lang ang dala at di un actual passport, sa ibang bansa sa southeast ASIA meron na, palibhasa kasi naka link sa mga makakaliwa kaya ayaw nila.
yung passport information parehas din naman dyan sa National ID pero secured naman yata sa DFA.