National ID may pag-asa kay Duterte

National ID System

Malaki ang pag-asang magkaroon ng iisang idenfitication card o ID ang mga Pilipino sa ilalim ng Duterte administration dahil parami na ng parami ang mga mambabatas na nagsusulong ng National ID System.

Bukod sa House Bill No. 12 na inakda ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr., dumagdag sa listahan ng mga mambabatas na nagsusulong ng National ID System sina Rep. Christopher Co at Rodel Batocabe ng Ako Bicol, Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers at Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.

Ayon kay Batacobe, mapapakinabangan ng mahigit 100 milyong Pilipino ang National ID dahil mambabawasan na ang mga requirements na hinihingi sa mga ito kapag may inap­layang trabaho, pagkuha ng benepisyo, transaksyon sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.

“Once enacted into law, all citizens, not only government employees and SSS members but the self-employed, the unemployed, minors, and Filipinos working abroad will be under the coverage of the National ID system,” ayon pa sa mambabatas.

Kapag naaprubahan umano ito, hindi lamang ang mga empleyado ng gobyerno at miyembro ng Social Security System (SSS) ang makikinabang kundi lahat ng mamamayan katulad ng mga self-employed, unemployed, minors at maging ang mga overseas Filipino workers na isasailalim sa coverage ng National ID System.