Inakyat na sa plenaryo ng Kamara ang National ID System para pagdebatehan at pagbotohan.

Sa sponsorship speech ni Laguna Rep. Sol Aragones, chairperson ng House committee on population and family relation, pinakalma nito ang mga tumututol sa nasabing panukala dahil maglalagay umano ang mga ito ng mga probisyon na poprotekta sa personal na impormasyon na laman ng ID ng bawat mamamayan.

Layon ng isinusulong na national ID system na magkaroon ng iisang ID ang sambayanang Filipino na tatawaging FilSys.

“Napakatagal na po na panukala ang magkaroon ang Pilipino ng isa, hindi dalawa, hindi tatlo, hindi napakaraming ID, pero hanggang ngayon, wala pa rin nangyayari,” ani Aragones.