Nanawagan sa Kamara ang Senado at ilang advocate group na ikonsidera at madaliin ang pagsasabatas ng Senate Bill 1850 o ang National Integra­ted Cancer Control Act.

Ito’y matapos aprubahan ng Senado, sa botong 18-0 ang panukalang tutugon sa mga cancer patient sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga cancer assistance program.

Ang National Integrated Cancer Control Act ay pangunahing ini­akda nina Senador JV Ejercito, Sen. Sonny­ Angara, Sen. Nancy Binay, at Sen. Loren Legarda.

Inaasahan naman ng Cancer Coalition Philippines na maisasakatuparan ang panukalang ito sa lalong madaling panahon.
Ayon sa orga­nisasyon, isang mala­king hakbang ang urgent na pagpasa ng senado sa panukala kaya inaasahan nilang tulad ng senado ay mabilis itong makakausad sa Kamara.

Kinumpirma naman ni House Health Committee Chairperson Rep. Helen Tan na kumpiyansa itong makakausad sa Kamara kapag tinalakay na aniya ang panukala sa susunod na linggo.

“I think every member of the house would like to see help come in the way to any cancer patient. We hope to secure a swift passage soon,” saad nito.