TINAPOS ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ang first round ng eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa pagdagit ng ikaanim nilang ­sunod na panalo.

Pinadapa ng Lady Eagles ang National University Lady Bulldogs sa loob ng apat na set, 23-25, 25-17, 25-23, 25-17, Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Ariba agad ang Lady Eagles at agarang pinakitaan ang mas batang Lady Bulldogs pero nag-iba ang ikot ng bola nang manakaw ang first set, 25-23.

Umalagwa sa second set ang Lady Eagles nang iposte nito ang 16-7 na bentahe sa likod ng kanilang 7-1 run.

Nagtuloy-tuloy ang pagdomina ng Ateneo sa laro pero nagawang makabangon ang NU, 23-22 sa third, pero hindi nila ito sinamantala hanggang mag-error si Ivy Lacsina at tapusin ito ng running ni Maddie Madayag.

Sa fourth ay mas lalo pang nakita ang championship ­experience ng Ateneo nang magawa nilang umalagwa matapos silang pakabahin nang mai­baba ng ace ni Roselyn Doria, 15-14, ang kalamangan nito.