Nakatakdang magsagawa ng indignation rally/run ang libo-libong nagkakaisang motorcycle enthusiasts (motmoteros y motmoteras) bukas, Linggo (Marso 24). Nationwide ito.
Sa Edsa People’s Power Shrine ang assembly point ng mga taga-Metro Manila ngunit sa iba’t ibang rehiyon at may kanya-kanya ring kilos-protesta sa batas 11235 o Doble Plaka Law.
Nasa limang libo na ang bilang ng mga nais dumalo sa naturang event na nagnanais ipalaganap o ipakita ang nagkakaisang pagtutol sa doble plaka law na ninombrahan nina senators Richard Gordon at Vicente Sotto III.
Nais ibsan ng naturang batas ang wagas na paggamit sa krimen ng mga nakamotorsiklo na mas popular sa police lingo na “riding in tandem.”
Marami na ang mga naitumbang target ang mga gun for hire at marami na ring nabiktima ng snatching gamit motorsiklo kung kaya’t minabuti ng lawmakers na nabanggit ang dagdagan ang markang pagkakakilanlan ng motorsiklo.
Tanong?
Kung ikaw ba gagawa ng isang karumal-dumal na krimen hindi mo ba tatanggalin ang plaka ng motorsiklo mo o kotse?
Bihira ang tangang kawatan o hitman/hitmen ang maglalagay pa ng plakang panukala na sinlaki ng short bond paper!
Kung kaya’t sa argumentong ito, nais ipakita ng mga nagkakaisang riders nationwide ang kapalpakang ito nina Sens. Gordon Y Tito Sen!
Ang isa pa nitong argumento ay kung bakit din nagpaisa si PDU30 sa mga ito na agaran naman niyang nilagdaan ang naturang Senate Bill noong Marso 8!
Good luck sa lahat ng motmoteros y motmoteras.
To God be the glory!