Nat’l Sports Complex sa Pampanga lumalapit sa katotohanan

Aprubado nina House committee on youth and sports chairman Rep. Conrad Estrella at subcommittee on sports chair 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang pagtatayo ng national sports complex sa Pampanga sa layong mahubog pa ang elite sports sa bansa.

Kung maipapasa ang “National Sports Center Training Act ng Senate at House of Representatives, itatayo ang sports complex sa Clark Green City sa loob ng Clark Special Economic Zone.

“The training centers and dormitories of our athletes as well as the offices of the Philippine Sports Commission will be built inside the 50-hectare complex,” paliwanag ni Romero.

Sa panukala, dapat maitayo ang sports complex sa loob ng 18 months pagkatapos ng six-month period ng planning. Ito rin ang magiging sentro ng sports science and research development, at venue sa training ng coaches at referees.