Dear Kuya Rom,

Mahal ko siya, at mahal niya ako. Maligaya ako sa aming kasal, pero pagkatapos, hindi na. Virgin ako noon, at siya naman ay hindi gaanong marunong sa sex. Nagmamadali siya at nasasaktan ako.

Tatlong taon na kaming nagsasama, pero hindi ako nasisiyahan. Bakit ako ganito? May asawa akong katabi sa kama, pero nalulungkot ako.

Natukso akong makipagrelasyon sa boss ko. Sa kanya ko nalasap ang hinahanap ko. Masarap ang buhay kung kasama ko siya, tatlong beses sa isang linggo.

Hindi nagtagal ang relationship namin. Nagkaroon siya ng bagong secretary at ang babaeng ito ang ipinalit sa akin.

Nasasaktan ako, pero nagtitiis ako, dahil boss ko siya at halos araw-araw kong nakikita. Feeling ko, mahal ko siya. Lagi kong iniisip siya. Nami-miss ko siya. Hina­hanap ko ang sex na kasama siya.

Apektado ang relasyon ko sa aking asawang walang malay sa nangyayari sa akin. Hindi niya alam na nagtaksil ako sa kanya. I feel guilty. Gusto ko nang magkaanak, makabuo ng isang pamilya, pero nawawalan ako ng gana sa mister ko.

Tawagin mo na lang akong Anna. Apat na buwan na akong malungkot, umiiyak, nangangalingan ng mainit na sex. Hindi ko naman masabi ito sa boss ko, kasi tinapos na niya ang affair namin. Anong gagawin ko? Paano ako mag-move on? — Anna

Dear Anna,

Magpakatotoo ka sa iyong sarili at makikita mo ang katotohanang ang problema ay ang relasyon mo sa iyong mister, hindi ang nawalang affair mo sa iyong boss. Layuan mo ang tukso; tumakbo ka papalayo dito. Maghanap ka ng ibang trabaho.

Sex lamang ang hangad ng boss mo, pero wala na siyang paghahangad sa iyo, dahil nakakita na siya ng ibang kandungan. Ikaw lamang ang naghahangad sa kanya.

Ang sabi mo, mahal mo ang iyong asawa, at mahal ka rin niya. Ito ay pag-ibig. Sa pamamagitan ng pag-ibig, mag-usap kayong dalawa. Balikan ninyo ang inyong pangako sa isa’t isa nang kayo ay ikasal.

Unawaing ang layunin ng inyong kasal ay magmahalan kayo habang buhay, magtalik, magkaanak, bumuo at itaguyod ang isang pamilya.

Matutupad ninyo ito kung mamumuhay ka ng matuwid. Hindi ninyo ito matutupad kung magpapatuloy ka sa kahibangan at maghanap ka ng ligaya sa labas ng bahay.

Kung tunay na gusto mong mag move on, mamuhay ka sa katotohanan, at ang katotohanan ay ito: Ang tunay at malinis na mainit na sex ay matatagpuan mo lamang sa piling ng mister mo.

Mamuhay ka ng matuwid, at ang matuwid ay ito: Sa batas ng Diyos at tao, nararapat na hangarin mo ang mainit na sex sa mga bisig ng iyong asawa lamang.

Mabuting humingi kayo ng tulong sa isang marriage counselor o sex therapist. God bless you!

Payong kapatid,

Kuya Rom

One Response

  1. MADAMI TALAGANG BABAE NA MAKAKATI…SAYANG ANG PAGMAMAHAL NG MGA LALAKI…SANA MAGKATAGPO YUNG TUNAY NA MAGMAHAL ….AT YUNG MAHIHILIG LANG SA SEX……!!!!