Successful ang karera ng MetroTurf nitong nakaraang Biyernes dahil sa nakalululang carry-over, dibidendo, sales for the day, at panibagong carry-over.
Pumalo sa P33-million ang nai-record na benta sa siyam na karerang pinaglabanan sa Friday-night racing tampok ang malaking carryover sa winner-take-all na P4.66-million mula sa nakaraang weekend racing sa MetroTurf Racing Complex.
Dahil sa isang dehadong nakalusot na si Superal, natuwa ang mga nanalo ng mahigit P1-million na naiuwi nila bawat isa.
Pero sa pangalawang set ng WTA, nahirapan ang mga karerista at hindi nila ito na-perfect dahil kasama rin si Superal sa napasama sa pilian ng mahirap manalo.
Kaya P364,039 na naman ang carry-over sa susunod na WTA na paglalabanan sa MetroTurf. Marami ang naka-6 points na ang kanilang consolation prize ay umabot lang sa P842.80.
Ang P33,093,046 na naiposte na ito marahil ang pinakamalaking grose sa isang Friday night racing ngayong taon at sa 9 na karerang pinaglabanan.
Ang mas maganda pa nito ay ang ngiti sa labi ng mga nagsipanalong owners, trainers at hinete dahil sa napakagandang grose sa dalawang araw na karera. Umabot sa P160,037.29 ang first prize para sa 17 kabayong nagsipanalo noong Huwebes at Biyernes.
Ito ay nangahulugan ng netong P136,111.72 na maiuuwi ng isang owner para sa kanyang winning connections.