WALEY: Bago magsimula ang presscon kahapon ng Kabisera na may mahiwagang papandesal, dumaan sa Salu Resto si Rosanna Roces para ibigay ang imbitasyon kay Nora Aunor na magiging Ninang niya sa kasal.
Hindi nakuntento ang Ninang na si Ate Guy na basta tanggapin lang ang imbitasyon kundi gusto niyang kilalanin ang kanyang magiging inaanak na magiging kabiyak ni Osang na si Blessy Arias.
Mula sa sasakyan, tinawag si Blessy ni Osang at ipinakilala kay Ninang Guy.
Maganda ang mabilisan nilang pagtatagpo sa kalsada at ang tanging nasabi ni Ate Guy, “Congratulations, naunahan n’yo pa ako.”
Natawa na lang si Osang at sinabi, “Nauna talaga? Kanino siya?”
‘Yun na!
Basta, nangako sina Osang at Blessy na susuportahan ang Kabisera.
***
HAVEY: Grabe ang pagsalubong ni dating Pangulong Joseph Estrada pati na ang kanyang Tourism and Cultural Affairs Officer na si Miss Flor Villasenor sa MMFF 2016 Execom kasama sina Boots Anson-Rodrigo, Jessie Ejercito at Executive Director Atty. Rochelle Ona, representatives ng Viva at mga MMFF committee heads.
Kuntodo banda at musiko dahil nataong flag raising day nila sa Manila City Hall at malugod na ikinuwento ni Mayor Erap kung paano from Manila Film Festival ay kinumbinsi niya ang dating Metro Manila Governor na si Imelda Marcos para pirmahan ang circular na nagsasaad na puro Filipino films lang ang papanoorin ng Kapaskuhan noong 1974.
Sabi ni Mayor Erap, ang kalaban niya roon ay sina Johnny Litton at Sen. Dick Gordon na abogado raw ng foreign films.
Isang pag-uwi o “coming home” to Manila ang theme ng parada dahil bukod sa floats ng mga kalahok na mga pelikula ay may iba’t ibang cultural dances and presentations na nag-ugat sa kulturang Manileño na ipapakita.
Magsisimula ang MMFF 2016 Parade sa Luneta Grandstand at magtatapos sa Plaza Miranda.
Ito ay iko-cover ng Viva at ipapalabas sa IBC13.
May isang lead float taglay ang members ng MMFF Execom. Tinanong namin si Mayor Estrada kung puwede siyang sumakay sa float at sumama sa parada bilang siya ang Ama ng Lungsod at Ama rin ng MMFF.
Pumayag ang butihing mayor na ang sabi, “I cannot turn my back.”
Nang tanungin ni Mayor Erap kung sinu-sino ang nasa parada, nabanggit na may Nora Aunor, Eugene Domingo, Paolo Ballesteros at maraming young stars.
Sabi niya, “Ok ‘yan!”
Magandang abangan ang pagtatagpo nila ng nag-iisang Superstar sa Parada dahil OK daw sila.
Gagawin talaga ng pamunuan ng Maynila ang lahat para maging masaya at masigla ang taunang parada.
Sa susunod na taon, nagpapa-reserve na ang Muntinlupa para sa kanila ganapin ang MMFF Parade dahil matataon daw ito sa kanilang City Centennial.
Masaya ito kung sakali at pabonggahan ito at pasayahan.
Sabi ni City Of Manila Mayor, “Ok lang sila next year, at least as always, we set the standard!”
Good answer!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
uy, nabawasan ang pakla ng sinulat ni noel….
ganyan naman pala na ikaw ang taga sulat sa mmff 2016 dapat yung totoo lang, hindi yung may di ka gusto sa mga artista e puro nega ka.
punta ka nga sa mansyon ko sa NIA, QC… may pak ka.