Nauulol na aso

Dear Dream Catcher:

Nanaginip po ako ng asong nauulol na tumatahol. Kinagat daw ako ng aso sa legs at nakita kong nawakwak ang laman ko. Hinabol pa rin ako ng aso at sinundan hanggang sa tumalon ako sa isang mataas na lugar. Sa labas ng kalye, ang dami pong asong nagtatahulan.

Maria

Dear Maria:

Ang panaginip na hinahabol ka ng isang asong nauulol ay indikasyon na may pinagdaraanan kang takot o anumang uri ng anxiety o pangamba. Ang pagtakbo ay maaaring ikonek kung sa aktuwal na buhay ay merong tinatakasan o pakiramdam na meron kang gustong takasan.

Ang aso ay simbolo naman ng proteksyon pero ang ulol na aso na nangagat sa iyo ay puwedeng maikonek sa mga sitwasyon kung saan pakiramdam mo ay inaatake ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo, tulad ng mga kapamilya, kaibigan na sila pa namang inasahan mong magbibigay sa iyo ng proteksyon.

Alamin mo kung saang bahagi ng buhay mo ikaw nakakaramdam ng ganitong an­xiety. Meron ka bang pinagdaraanang sitwasyon kung saan nakukuwestyon mo ang loyalty ng mga taong malapit sa puso mo? Puwede rin namang ang sitwasyong ito ay nangyari na at nabalik lamang sa iyong isip dahil sa isang sitwasyon na nagpaalala rito.

Ang iyong pana­ginip ay puwede ring ikonek sa mga sitwas­yon sa negosyo kung saan ang mga karibal mo ang nagiging pahirap sa iyo.

Maaari ring ang iyong panaginip ay tungkol sa isang relasyon, kung sa iyong love life ay nararamdaman mong hindi nagi­ging totoo sa iyo ang mahal mo.

Dito ay kinukuwestyon mo rin kung tapat siya sa inyong relasyon.

Sa kabuuan, ikaw lamang ang makakatukoy kung paano mo bibigyan ng eksakto o pinakamalapit na interpretasyon ang iyong panaginip dahil ikaw lamang ang nakakaalam ng tunay mong sitwasyon at mga pinagdaraanan sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.