Kaugnay ng pina­lakas na operasyon ng militar laban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, ipinatupad na rin ang naval blockade sa mga strategic areas sa lalawigan

Ito ay upang maharang ang mga sympathi­zers ng ASG na masuplayan sila ng pagkain at iba pang pangangaila­ngan.

Sinabi ng Armed Forces­ of the Philippines­ (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, aabot sa 7,000 na tropa ng military ang nasa Sulu ngayon.

Wala naman umanong­ naitatalang panibagong engkwentro na nagaganap sa pagitan ng bandidong grupo at mga sundalo.

“More than 7,000 troops na ang nariyan na ngayon sa Sulu. Walang engkwentrong nagaganap nitong nakaraang mga araw,” ani Padilla.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Philippine Navy na maliban sa pagharang sa suplay ng pagkain at iba pang gamit para sa ASG, layon din ng naval blockade na mapi­gilan ang ASG na makalayo at makalabas ng Sulu.