Navotas nasolo ang best gov’t agency ng COA

Nakamit ng Navotas City Local Government Unit (LGU) ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit (COA), bilang pinakamahusay na government office o agency sa audit out come.

Sa 17 lungsod mula sa National Capital Region, ang Navotas lang ang napili ng COA.

“We are honoured and proud to receive an unqualified opinion from COA. This validates the city government’s efforts to be transparent in its financial operations and position,” ayon kay Mayor John Rey Tiangco.

Naniniwala ang COA na karapat-dapat sa Navotas City ang parangal dahil naniniwala ang ahensiya na patas sila sa pagprepresinta sa lahat ng ‘material respect’ ng Philippine Public Sector Accounting Standards.

“We will double our efforts to serve our constituents more effectively and efficiently, and to realize our shared vision of an improved quality of life for all Navoteños,” dagdag ni Tiangco.

Base sa unqualified opinion ng COA, mahalaga ito para sa LGU para masiguro ang iginagawad na parangal ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) na isa sa mga criteria para sa Good Financial Housekeeping na bubuo sa Seal of Good Go­vernment.