ILOILO CITY — Sisikapin nina defending champion Jan Paul Morales at Rudy Roque na ilayo ang kanilang agwat sa mga nakasunod upang masiguro ang pag-angkin ng titulo sa LBC Ronda Pilipinas 2017 edition.

Hawak ni Morales ang overall lead, second si Roque, Nakalikom sila ng 37:25:56 at 37:28:11 aggregate time matapos ang 11 stages.

Nagkaroon ng one-week break matapos ang Stage 11 na pinagwagian ni Roque noong Feb. 21 sa distansyang 140-km Calamba-Antipolo, ngayong araw pasisibatin ang 40-km Indivi­dual Time Trial (ITT) Stage 12 sa Guimaras.

May tatlong stages na lang sa 14-stage race na nakalaan ang P1M premyo sa magkakampeon mula sa presentor LBC,  MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, ­Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, Phil­Cycling at 3Q Sports Event Management.

Third overall ang ma­tinik na si Cris ­Joven ng Kinetix ­Lab-Army (37:37:03), ­sunod si ­Bryant Sepnio (37:41:33).

“Kailangan madagdagan ang lamang namin sa ITT, pagkatapos ay puwede na nating sabihin na amin na,” saad ng tubong Calumpang, Marikina na si Morales.

Pagkatapos Guimaras, sunod ang 209-km Iloilo-Antique-Iloilo Stage 13 bukas habang huling karera ang Iloilo criterium (Stage 14) sa Sabado.