Malaking puwersa ng mga demonstrador ang nagsadya kahapon sa Commonwealth Avenue upang magprotesta laban sa administrasyong Duterte kasabay ng paghahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).
Maaga pa lamang ay nagmartsa na ang mga raliyista na kinabibilangan ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) mula sa Southern Tagalog, Central Luzon, at Mindanao.
Partikular na ipinoprotesta ngayong SONA ni Pangulong Duterte ay ang mga hindi natupad na pangako, gayundin ang ginawang paglapalawig sa Martial Law at ang paghinto sa peace talks.
Mayroon ding mga nagprotestang grupo na sang-ayon naman sa mga polisiyang ipinatutupad ng administrasyong Duterte.
Dahil dalawang kampo ang kapwa nagsagawa ng pagkilos ay mas lumaki ang puwersa ng mga nagprotesta.
Ang mahabang demonstrasyon ay lumikha ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Maraming motorista at mga commuters na papasok sa trabaho at may mahahalagang lakad ang naperhuwisyo.
May ginawang solusyon ang mga awtoridad para hindi masyadong makaperhuwisyo ang mga demonstrador pero hindi ito nakatulong bagkus ay lalo itong nagpalala sa sitwasyon na ikinagalit ng marami nating mga kababayan.
Ang sa amin, nirerespeto natin ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin ng iba nating mga kababayan katulad ng mga raliyista pero sana ay nirerespeto rin ng iba’t ibang grupo ang karapatan ng ibang apektado sa kanilang ginagawang protesta.
Dahil sa isinabay na demonstrasyon sa SONA ng ilang militanteng grupo ay maraming kababayan ang naapektuhan, marami ang nagalit bunsod ng perhuwisyong inabot.
Hindi na bago ang senaryo kahapon dahil nangyari na rin ito sa SONA ng mga nagdaang Pangulo ng bansa. Kanya nga lamang, ang demonstrasyon na nagdudulot ng mas masikip na daloy ng trapiko hindi ba maaaring tuldukan na? Hindi ba maaaring magprotesta nang walang piniperhuwisyo?
Sa halip kasing makisimpatiya sa inyong ipinaglalaban ang mga ordinaryong mamamayan ay hindi kayo magawang damayan dahil sa dagdag na perhuwisyong hatid ng inyong demonstrasyon.
Sila lang ang may karapatan na mangpirhuwisyo ng mga ibang tao ang mga demonstrador. Ang ibang tao na naaepktuhan ng kanilang ginagawa ay tinanggalan nila ng karapat. Kaya tama lang yan na walang dumamay sa kanila dahil isa rin sila sa pabigat sa pag.unlad ng pilipinas. Lalo na yang mga lider nilq na c RENATO REYES na yumaman dahil sa ganyang negosyo.
Hehehehe