Nawawalang bagahe ni Rica naisauli na ng PAL

Naisauli na ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan ang mga maleta ng celebrity na si Rica Peralejo-Bonifacio sa kanyang bahay at naayos na ang danyos sa perwisyong idinulot sa pagkawala nito.

Sabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna kahapon, inaayos na ng customer experience team ng PAL ang mga aberyang idinulot nito kay Peralejo-Bonifacio.

“Our customer experience team is handling Ms. Paralejo’s complain. Rest assured, it is on its way to being resolved,” sabi ni Villaluna.

Itinanggi naman ng PAL na ini-offload nila ang aktres at ang pamilya nito noong Agosto sa flight nito papuntang Estados Unidos kaya’t hindi siya umabot sa libing ng kanyang ama.

“About a month ago, PR112 was scheduled to depart Manila at 12:25 AM for LAX but there was a need for the aircraft to undergo additional maintenance checks, thus leading to the flight delay. The flight was re-timed to 5:50PM,” sabi sa PAL statement.

Kaugnay naman ng kaso ng kapatid ni Peralejo at nanay nito na nagbayad para mag-reserve ng seats sa kanilang flight na hindi naman sa kanila binigay ng PAL, kasalukuyang iniimbestigahan pa ng PAL ang kaso ng nanay at kapatid ni Peralejo. (Eileen Mencias)