Kinumpirma kahapon ng Pasay City Police ang pagkawala ng mga kabataan sa Pasay kung saan 10 na ang biktima.
Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, nasa pitong magulang at kaanak pa lamang ang nag-report at nagbibigay ng pahayag sa kanilang tanggapan hinggil sa pagkawala ng mga menor de edad na nasa edad 15-21 at nawala nitong Nobyembre 20-22.
“Sa pito pong mga nawawala ay mayroon pong estudyante at out of school po,” ani ni Yang.
Sa naunang report, nasa 10 kabataan na ang nawawala na kinabibilangan ng walong lalaki at dalawang babae na pawang mga residente ng Pasay City, Tramo at Buendia.
Ayon kay Yang, may isang CCTV camera ang kanilang hawak na umano’y nakuhanan ang ginawang pagdukot sa isa sa mga nawawala na si Sebastian, 22-anyos, na isinakay sa isang Hi-Ace van.
“May lead na po kami sinusundan dito at patuloy na po naming itong iniimbestigahan,” paniyak naman ng pulisya. (Armida Rico)