Pag-aagawan ng Nazareth School of National University at ng La Salle-Greenhills ang isang slot sa championship ng Passerelle Division ng twin basketball tournaments ng Best Center ngayon.
Winalis ng Nazareth ang limang laro sa Group A eliminations, No. 2 ang Greenies (4-1) sa Group B. Alas-10 ng umaga ang balyahan ng dalawa sa Xavier School gym sa semis ng torneo na hatid ng Milo.
Sa isa pang pairing ng 11:30 a.m. ay haharapin ng Group B topnotcher San Beda (5-0) ang No. 2 Ateneo (4-1).
Sa Small Basketeers Philippines, unahan din sa isang final seat ang San Sebastian (4-1) at DLS-Zobel (3-1) sa ala-una ng hapon.
Sunod ang bakbakan ng Group A No. 1 LSGH-B (4-0) at Group B No. 2 Ateneo (3-1).
Sa Sept. 17 sa Blue Eagle Gym sa Katipunan ang battle-for-third at championship matches ng dalawang divisions.