NBA: AI Warriors pa

nba-andre-igoudala

Nakipagkasundo ulit si Andre Iguodala sa pamama­gitan ng three-year, $48 million deal upang magpirmi pa rin sa NBA champion Golden State Warriors.

Kinunsidera pa rin niya ang paglipat sa mga rival­ teams sa open market at nakipag-usap sa San Antonio Spurs, Houston Rockets at Sacramento Kings, pagbubunyag ng league sources.

Kaya para sa Golden State at kay owner Joe ­Lacob, ang muling pagpirma ni Iguodala ang indikasyon sa   maayos na tax at future seasons upang mapanatili ng franchise ang kanilang championship core.

Nakipagkita si Iguodala at kanyang representatives kina general manager Bob Myers at coach Steve Kerr kahapon (Manila time) at sinelyuhan ang lagdaan.

Sa four seasons sa Warriors, ang kumita sa katatapos na 71st season na basketbolista’y nagsilbing playmaker at primary wing defender, at nailagak ang sarili na high-character leader.

Pumasada si Iguodala ng 20 points, four rebounds at three assists sa Warriors’ Game 5 victory kontra Cleveland Cavaliers para masakote ang NBA Finals crown sa nakalipas na buwan.

Sumama siya sa Warriors noong 2013 at tinanggap ang sixth-man role sa 2014-15 season, nagkaaloob kay coach Kerr ng flexibility sa balance rotation. Mahalaga siyang bahagi ng ng dalawang championship teams sa tatlong taon.

Naiba niya ang takbo ng 2015 Finals nang isalpak siya sa starting lineup  sa gitna ng series at ­nadale ang  Finals MVP honors sa average na 16.3 points, 5.8 rebounds at four assists bukod pa sa siya ang nagsilbing primary defender kay LeBron James.

Naka-13 seasons na ang 33-year-old cager sa NBA, nag-All-Star  na, nakadalawang pasok All-Defensive teams at two-time gold medalist ng USA Basketball sa 2010 World Championship 2012 Olympics.