NBA: Amoy sweep sa Warriors

steph-curry

PORTLAND, Oregon — Umiskor si Stephen Curry ng 34 points – kabilang ang 3-pointer 1 minute na lang sa laro na nag-selyo sa panalo – at naligtasan ng Golden State Warriors ang mabagal na umpisa para takasan ang Portland Trail Blazers 119-113.

Inilayo ng Warriors ang first-round playoff series sa 3-0, at posible nang isara sa Game 4 sa Lunes sa Moda Center pa rin.

Naglaro na wala sina Kevin Durant at coach Steve Kerr Sabado ng gabi, bumalikwas ang Warriors mula first-half 17-point deficit.

Hindi raw nagpapa-kabayani si ­Curry. Gusto lang niyang manalo.

“It’s not necessarily ‘hero ball,’ it’s being aggressive in those sports that you have,” aniya.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 24 points sa panalo. Sa bisa ng 19-1 run sa third quarter ay nakabalik ang Warriors mula sa malamyang umpisa. Ang dalawa ay 8 for 25 lang mula sa field sa first half at may dadalawang 3s, parehong galing kay Curry.

Binigay ni Curry ang game ball kay general manager Bob Myers para ibigay kay Kerr, nasa team hotel lang dahil may sakit.

Nilista ng Golden State ang biggest lead nila sa 108-100 sa dunk ni Andre Iguodala 4:05 sa laro.

Dumikit ang Portland sa dakdak din ni Noah Vonleh 110-106 1:29 pa, pero sumagot si Curry ng 3-pointer at luminya na sa exits ang fans.

Pinamunuan ng 32 points ni CJ McCollum ang Blazers, may 31 si Damian Lillard. Wala pang team na nakaahon mula 3-0 deficit sa playoffs.

Lumayo ang Portland 49-33 sa second quarter, nagkasa pa ng 14-5 run tungo sa 65-48, bago isinara ng 3-pointer at long jumper ni Curry ang half na naghahabol ang Warriors 67-54.