NBA broadcast malulugi ng $700M

NBA broadcast malulugi ng $700M

Malaking kalugian ang kinakaharap ng NBA broadcasters dahil sa patuloy na kawalan ng programming bunga ng pagsususpinde sa mga laro ng propesyonal na liga ng Estados Unidos matapos makitaan nang nakamamatay na Coronavirus Disease ang dalawang manlalaro.

Iniulat na mahigit sa $700M sa ads ang nanganganib malugi sa Disney kung ang biglaang sususpendihin na torneo ngayong season at tuluyan nang kumpletong kanselahin. Inihayag ito ni Geetha Ranganathan, isang analyst sa Bllomberg Intelligence.

Sinabi pa niya na ang Turner, na nakatakdang ipalabas ang malawak na NCAA March Madness college basketball championships maliban sa NBA, ay nahaharap din mawalan nang mahigit $960M sa ads.

Iniulat naman na dahil sa COVID-19 pandemic, plano ng NBA na itaas ang credit line nito sa $1.2B, ang dating credit line nito ay $650M. Una nang nagdesisyon ang PBA na suspensiyonin kahit na malaking kawalan sa kanilang kikitain ang pagkakansela sa mga laro. “Milyon ang talo doon kada araw,” tanging nasabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Bagaman hindi nagbanggit ng eksaktong pigura ang ikakalugi ng liga, sinabi ni Marcial na mahina na malugi sa ‘seven figures’ ang liga sa kada playdate na mga nakansela. (Lito Oredo)