OAKLAND, California — Binomba ni Kevin Durant ang dibdib pagkatapos ng dalawang baskets sa fourth quarter, parang ipinaparating sa lahat na “I got this!”
Isang baseline 3-pointer din ang ibinaon ni Stephen Curry, itinaas ang kamay at sinenyasan ang crowd para lalo pang mag-ingay.
Nagliyab sina Damian Lillard at CJ McCollum para sa Portland, pero gumana ang shooting ng NBA top-seeded team ng superstars sa dulo at dumipensa na parang walang bukas.
Nagsumite si Durant ng 32 points at 10 rebounds sa Golden State playoff debut niya, umiskor si Curry ng 29, at naligtasan ng Warriors ang bangis ng backcourt duo ng Trail Blazers para sikwatin ang Game 1 ng first-round series 121-109 nitong Linggo.
Umiskor si McCollum ng career-best 41 points, may 34 si Lillard. Wala sa Portland si injured center Jusuf Nurkic.
Pero sa stretch ay inari ng Warriors ang crucial big plays sa magkabilang dulo.
“When they got it going, they’re hitting tough shots in the first half, some you’ve just got to live with, we played great defense,” ani Curry. “They were just able to finish, but over the course of 48 you just try to wear them down.”
Naglista si Draymond Green ng 19 points, 12 rebounds, nine assists, five blocked shots at three steals para sa Golden State.
Mula sa field ay 12 for 20 si Durant, parang hindi galing sa knee injury na nagpaliban sa kanya ng 19 games bago bumalik sa final three regular-season contests ng NBA-best Warriors.
“I definitely felt good out there,” giit ni Durant.
Game 2 ay sa Miyerkules ng gabi sa Oracle Arena pa rin.
Ang opener ay rematch ng Western Conference semifinals ng nakaraang season na tinapos ng Golden State sa five games.
Tumira si McCollum ng 11 of 15 sa first half bago inumpisahan ang second sa 2 for 7 at tumapos ng 16 of 28, si Lillard ay 12 for 26. Pinantayan ng 27 first-half points ni McCollum ang Portland playoff record sa isang half, at nilista nila ni Lillard ang 48 sa 56 ng team sa break.