HINDI magkakaroon ng Draft Lottery kung hindi madedetermina ang final NBA regular-season standings upang malaman kung ano-anong team ang kalahok dito.
At alam ng lahat bakit tigil ang mga NBA game, dahil sa patuloy na banta ng pandemic coronavirus.
Maging ang annual Draft Combine sa mga susunod na lingo, ipagpapaliban din.
“More information on each event will be shared at a later date,” ayon sa statement ng NBA, na sinabi pang “to closely monitor the coronavirus pandemic and consult with infectious disease specialists, public health experts and government officials.”
Naka-iskedyul ang Draft Lottery sa Mayo 19 sa Chicago, habang Mayo 19-24 namang ang Draft Combine.
Wala pang petsa kung kalian ito matutuloy. (Ferdz Delos Santos)