Noong isang linggo, nagdeklara si Tulane guard Teshaun Hightower na magpapalista na siya sa NBA draft.

Ilang araw ang nakalipas, may kaso na siyang murder at pinipigilan without bail sa Henry County Jail sa Georgia, ayon sa report ng ESPN.

Sinampahan siya ng kasong felony murder, aggravated assault, possession of a firearm during the commission of a felony, battery.

Nangyari ang insidente sa Stockbridge, Georgia noong April 8, pero hindi idinetalye sa ulat kung paanong nasangkot si Hightower. Kasama siya sa anim na kalalakihang hinahanap para imbestigahan sa insidente.

Inalis na si Hightower sa lineup ng Tulane.

“Upon learning of Teshaun’s arrest this afternoon, he was immediately dismissed from the Tulane basketball program,” bahagi ng statement ni Tulane athletics director Troy Dannen.

Nag-average si Hightower ng team-leading 15.9 points, 4.6 rebounds at 2.4 assists per game para sa Green Wave nitong 2019-20. (VE)