PAGSAPIT ng Hulyo ay nakatakda ang muling pagbabalik ng NBA action, ngunit kailangang mag-adjust ng mga player dahil empty arena ang kanilang paglalaruan.

Nag-uusap na ang pamunuan ng NBA at Walt Disney para ganapin ang mga laro sa loob ng Disney World sa Orlando, Florida kung saan nakatirik ang ESPN Wide World of Sports Park.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, isa sa mga paraan na naiisip ng liga ay ang paglalagay ng crowd noise mula sa larong ‘NBA 2K’ para mapunan ang katahimikan sa loob ng venue.

Hindi pa ito isinasapinal, ngunit para kay LA Clippers big man Montrezl Harrell, hindi ito kumbinsido sa pagdodoktor ng ingay ng crowd sa kanilang mga laro. (Raymark Patriarca)