BOSTON — Rampa sa Eastern Conference finals ang Celtics na No. 1 seed at hawak ang home court advantage, pero sila pa rin ang underdogs laban sa defending champion Cleveland Cavaliers.
Buong season, usap-usapan ay kung sino ang makakasabay sa Cavs. Parang wala pa, lalo’t nilista ng Cleveland ang back-to-back sweeps sa first two rounds.
Mahigit isang linggong naghintay ng makakatapat, heto ngayon ang challenger ng Cavs: Boston team na pinagtaasan ng kilay ng madami nang malubog 0-2 laban sa Bulls sa first round.
Sariwa pa sa Game 7 semifinal win kontra Washington Wizards, naghahanda na ang Celtics para i-host si LeBron James at mga alagad niya sa Cleveland sa Game 1 ngayon sa Boston.
“We’ve been counted out since I’ve been here, so it’s nothing new,” pakli ni Celtics guard Isaiah Thomas. “We’re not really focused on the outside noise and what they think we’re going to… We’re just going to take care of business as we go.”
Hindi pa tinatalo ng Boston ang Cavs ngayong season kapag buo ang Cleveland. Ang nag-iisang panalo ng Celtics ay noong March 1, wala si Kevin Love na sumailalim noon sa minor left knee surgery. Inari ng Cleveland ang iba pang laro sa combined 35 points kabilang ang 114-91 romp noong April 5.
Sa kabila nito, respetado ni James ang Celtics at ang makulay na kasaysayan ng team.
“There’s only two winningest franchises in the history of the game, the Lakers and the Celtics,” pakli ni James. “Just respect that and look out up in the stands and see the banners, see the jerseys retired and things of that nature. You respect what the history has created at that point.”
Magkakaalaman na.