Pagkatapos ng NBA 2K20 Players-Only Tournament, nagbabalak naming ikasa ang NBA H-O-R-S-E.
Iniulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na nakikipagtulungan ang NBA sa ESPN para mai-televise ang version ng playground game.
Ayon naman kay Andrew Marchand ng New York Post, posibleng makasama sa game sina Chris Paul ng Thunder, Russell Westbrook ng Rockets, Donovan Mitchell ng Jazz at Zion Williamson ng Pelicans.
Hindi pa klaro ang buong detalye ng event, pero sinabi ni Wojnarowski na hindi sa iisang court lalaro ang players, mas malamang sa magkakahiwalay na lokasyon. Pinapairal ang social distancing ngayon dahil sa coronavirus.
Sa HORSE, isa-isa ang lalaro.
Ang unang susubok gagawa ng kahit ano’ng klaseng trick bago tumira – kailangan pasok sa basket. Kung gusto niyang magpa-tumbling-tumbling o sumirko-sirko, puwede.
Gagayahin ng susunod na players ang trick. Kung higit sa isa ang naglalaro at sumablay o hindi nagaya ng pangalawa ang ginawa ng una, ang susunod na player naman ang mag-iimbento ng trick na gagayahin ng kasunod niya.
Ang sasablay ay bibigyan ng letter H, hanggang may makabuo ng H-O-R-S-E. Panalo ang player na hindi makaka-spell ng HORSE. (VE)