Tulad ng mga ordinaryong tao, ang mga hinahangaan nating NBA players ay napakahilig din sa social media. Sa pamamagitan kasi nito ay naipararating at naisi-share ang kanilang mga aktibidad at maging saloobin sa iba’t ibang kaganapan sa kanilang buhay at paligid.
At nangunguna sa talaan ng Instagram na may pinakamaraming followers itong si LeBron James, na puwede na ngang matawag na ‘IG King’ dahil mahigit 30 million ang sumusubaybay sa kanya.
Narito ang top 10 NBA players na may pinakamaraming IG followers:
1. LeBron James (kingjames) — 31.9 million
2. Stephen Curry (stephencurry30) — 17.1 million
3. Kyrie Irving (kyrieirving) — 9.7 million
4. Dwyane Wade (dwyanewade) — 9.5 million
5. Russell Westbrook (russwest44) — 8.3 million
6. Chris Paul (cp3) — 6.8 million
7. James Harden (jharden13) — 5.8 million
8. Paul George (ygtrece) — 5.3 million
9. Carmelo Anthony (carmeloanthony) — 5.2 million
10. Klay Thompson (klaythompson) — 3.9 million