NBA: Irving sa Celtics, Thomas sa Cavs

Kinuha na ng Boston Celtics si Kyrie Irving mula Cleveland Cavaliers kapalit ni Isaiah Thomas, forward Jae Crowder, center Ante Zizic at 2018 unprotec­ted first-round pick ng Brooklyn, ayon sa teams nitong Martes ng gabi.

Nitong July ay nag-request si Irving, 25, kay Cavs owner Dan Gilbert na i-trade na siya. Gusto daw ni Irving na siya naman ang maging sentro ng isang team, ayaw na niyang nasa anino lang ni LeBron James.

Para kay Celtics president of basketball operations Danny Ainge, “exciting time” daw na idagdag sa roster nila ang isa sa pinakamatinik na offensive players sa liga. Nahirapan daw siyang tawagan si Thomas para basagin ang balita.

Si Thomas ang na­ging mukha ng prangkisa sapul nang dumating bago ang trade deadline noong February 2015. Giniyahan ni Thomas, 28, ang Boston sa best record sa Eastern Conference nitong nakaraang season pero inabot ng hip injury at hindi na lumaro sa last three games ng East finals.

Inamin ni Ainge na ‘high price tag’ ang nakakabit kay Irving.