SAN ANTONIO — Kumana si ­Kevin Durant ng 33 points at 10 rebounds, nagdagdag si Stephen Curry ng 21 points at muli ay kinubabawan ng Golden State ang injury-laden San Antonio nitong Sabado.

Nasa exit door na ang isang paa ng Spurs, naiiwan na 3-0 sa kanilang Western Conference finals series.

Kapag nawalis ng Warriors ang serye sa Game 4 sa Lunes sa San Antonio, balik na ­naman sa NBA Finals ang ­Golden State.

Mukhang nanganga­moy pa nga ang return bout sa titulo ng Golden State at Cleveland, dahil lamang din ang Cavaliers 2-0 sa Eastern Conference finals laban sa Boston.

Masamang balita sa Celtics, out na sa buong playoffs ang kamador nilang si Isaiah Thomas dahil sa hip injury.

Wala na sina leading scorer Kawhi Leonard at starting point guard Tony Parker dahil sa injuries, nalagas din sa Spurs si David Lee dahil sa left knee injury sa opening quarter.

“We have to fight with the soldiers we have,” giit ni San Antonio veteran Manu ­Ginobili, pinamunuan ang Spurs sa kinamadang 21 points.