SAN ANTONIO, Texas — Humabi si Kawhi Leonard ng game- high 34 points para bidahan ang San Antonio Spurs na pasabugin ang Houston Rockets, 121-96, Huwebes (Manila time) sa AT&T Center dito at itabla ang kanilang 71st NBA 2016-2017 season playoff series sa one game each.
Nakapaghatid pa si Leonard ng eight assists at seven rebounds para sa Spurs, na ngayo’y maglalakbay pa- Houston para sa games three at four ng best-of-seven second round Western Conference series.
“We were focused,” namutawi kay Leonard. “We lost by 30 points last game so we didn’t want to disappoint the fans.”
Pero naging mahal para sa San Antonio ang panalo dahil nagka-injury si guard Tony Parker. Kinailangang buhatin ang Frenchman sa floor ng kanyang teammates sa 8:43 remaining after tapos magka-left leg injury.
Nakatrangko ang San Antonio sa 97-83 nang oras na masaktan si Parker. Pinagmulan ng insidente nang sumablay siya sa kanyang short layup at sumubsob sa basket ng Rockets. Nakaiskor siya ng 18 points bago umalis sa game.
Aksidenteng naitukod ni Parker ang kanyang tuhod sa floor. Kinartilya na siyang buhatin nina teammates Dewayne Dedmon at Dejounte Murray at sa sobrang sakit hindi na siya nakareaksyon sa mga miron na sinisigaw ang kanyang pangalan.
“I just hope he is OK because we need him the next game,” panapos ni Leonard.
Sasailalim si Parker ng MRI sa Biyernes.
Aligaga si Spurs coach Gregg Popovich kay Parker, “It is not good.”
Lumagare si LaMarcus Aldridge ng 15 points para sa Spurs habang nakabakas si Jonathon Simmons ng 14 points at may 12 Danny Green na nagawa lahat sa first half.