Sakaling ituloy ang 2019-20 season ng NBA, posibleng bumalik ang mga laro sa kalagitnaan ng June at matatapos ng August – summer sa US.
Wala pang nadedesisyunan sa posibilidad na ito, pero marami ang naiintriga dahil kapag nagkataon ay mauurong din ang susunod na season. Mas malamang.
Christmas Day ang opening night ng 2020- 2021. Ayon kay Marc Stein ng New York Times, ini-scout na ng NBA executives at owners ang G League buildings at practice facilities bilang mga posibleng venues kapag itinuloy ang itinigil na season.
Nag-abiso ang Centers for Disease Control na ipagpaliban ang mga pagtitipon ng events na dadagsain ng 50 o higit pang katao sa susunod na dalawang buwan. “In the strain to find silver linings amid this crisis, there are teams out there eager to see if real NBA games in the summer would be as ‘hot’ as some believe – since there certainly is a pocket of power brokers in the league intrigured by an Opening Night on Christmas calendar,” tweet ni Stein. (VE)