NBA: No Kyrie, No Problem sa Celtics

Tinirahan ng baby hook ni Semi Ojeleye (37) ng Boston si Emeka Okafor (50) ng Philadelphia sa NBA preseason game. Ipinahinga ng Boston si Kyrie Irving, tumabo ng 16 si Ojeleye at binalasa ng Celtics ang Sixers, 113-96. (AFP)

Ipinahinga ng Boston si Kyrie Irving, pero hindi na rin kinaila­ngan ang tikas ng bagong saltang guard nang kubabawan ng Celtics ang Philadelphia 76ers, 113-96, sa NBA preseason game nila kahapon.

Umiskor si Semi Ojeleye ng 16 para sa Boston na bumentahe ng hanggang 34. Iniupo lang din ng Celtics sina Gordon Hayward at Al Horford.

Naka-15 points si Ben Simmons sa panig ng 76ers, kahit mi­nintis ang seven sa kanyang 10 free throws.

Sprained ang kaliwang tuhod ni Aron Baynes sa first half pero nakasuporta si Jaylen Brown ng 12 para sa Celtics, na nakahugot pa ng 15 each mula Terry Rozier at Abdel Nader.

Pumukpok si Furkan Korkmaz ng 13 at umagapay ng 12 si No. 1 overall pick Markelle Fultz sa pa­nig ng Sixers.