NBA player Jordan Clarkson dumepensa sa Gilas

Nakakuha ng panibagong kakampi ang Gilas Pilipinas sa naganap na basketbrawl nila laban sa Australia nitong Lunes sa Philippine Arena.

Pumanig si Filipino-American at NBA player mula Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson sa mga player ng Gilas na nakipagrambulan sa ilang Boomers sa third quarter ng 3rd window sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan natalo ang mga Pinoy, 89-53.

Sa Facebook post na nai-share ni Miami Heat head coach at Filipino-American Erik Spoelstra sa pinaniniwalaang official account naman ni Clarkson, sinabi nitong naturalesang mababait at magiliw sa mga bisita ang mga Pinoy, subalit nasagad lamang ang mga ito sa kabastusan ng mga Australyano.

“Filipinos are usua­lly welcoming and very loving people. Ask people from all over the world. But Australians were on another level of disrespect. They started when they vandalized our home court a day before the game. During the game, they began to trashtalk us. These Gilas players even said that they were called monkeys. Now who wouldn’t be riled up after all that?” li­tanya ng 26-anyos mula Tampa, Florida.

Ayon pa sa 2014 se­cond round pick ng NBA, maging ang kilalang mahinahon na si Jayson Castro, napilitang ipagtanggol ang kakampi dahil may nakita itong mali sa asal ng mga bisita.

“Even Jayson Castro, a player known for his mild-mannered personality, couldn’t hold it in any longer. That says a lot if you asked me. These Gilas pla­yers were not picking a fight for the sake of it. They were defending their honor from those disrespectful Australians,” sabi pa ng 6-foot-5 shooting guard.

Siyam na manlalaro sa Gilas habang apat sa Boomers ang na-eject sa nasabing laban at hinihintay pa anumang araw ang parusang ipapataw ng FIBA sa mga sangkot sa gulo ng mga player. (Ferdz Delos Santos)