NBA players kaya supalpalin ang COVID-19

TIRA-ALAHOY-ALEC-PAOLO-VENTOCILLA

Halos lahat nga ng pinangalanang NBA player na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay cleared na.

Kabilang dito si Christian Wood ng Detroit Pistons at ang duo ng Utah Jazz na sina defensive big man Rudy Gobert at Donovan Mitchell.

Gumaling na rin si Boston Celtics defensive player Marcus Smart, na nagpasalamat sa mga nagdasal para sa kanya.

Cleared na rin si Kevin Durant ng Brooklyn Nets at tatlo niyang kakampi.

Sigurado naman na malalampasan ng mga atletang ito ang virus.

Bukod sa skills, kung sa lakas lang ng katawan, hindi mapupunta sa NBA ang mga ito kung hindi sila malalakas.

Pero kahit nalampasan nila ang virus pandemic, nangunguna ang America sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Habang sinusulat ito ay may mahigit 240,000 na ang kaso sa kanila.

Isa nga rin si NBA analyst at reporter Doris Burke na positibo at kasalukuyang nagpapagaling.

Habang sapul din ang New York Knicks owner na si James Dolan kahit wala ito masyadong sintomas.

Sigurado akong nami-miss niyo na rin manood ng NBA games.

Patuloy nating ipagdasal na matapos na ang matinding pagsubok na pinagdaraanan natin ngayon.

***

Kung kayo po ay may reaksiyon o gustong itanong, mag-email lang sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!