OAKLAND, California — Unbeaten pa ang Golden State Warriors, may ilang araw na namang pahinga. Gugugulin ni Gregg Popovich ang ceasefire para gisingin ang kanyang San Antonio Spurs bago mahuli ang lahat.
At siguruhin ang estado ni superstar Kawhi Leonard kung makakabalik pa mula ankle injury.
Tinabunan ng Warriors ng 36 points at Spurs dalawang araw matapos nakawin ang 113-111 victory sa Game 1 ng Western Conference finals — ang second-largest postseason win nila pagkatapos ng isang laro noong 1948 nang tambakan ng Philadelphia Warriors ng 39 ang St. Louis.
Inaasahan na ni Draymond Green na may nag-aabang na pahirap sa Warriors sa San Antonio sa Game 3 sa Sabado.
“They’re going to play as hard as they can until it’s over. So, we know we’re not taking their heart,” ani Green pagkatapos ng 136-100 rout nitong Martes.
Inabot ng bruised right heel si starting center Zaza Pachulia — dahilan ng pagkawala ni Leonard. Natapakan ni Leonard ang paa ni Pachulia habang pababa matapos tumira at na-re-injure ang paa noong Game 1. Si key reserve Andre Iguodala, nananakit ang kaliwang tuhod at wala sa Game 2.
Nag-deliver ang bench ng Golden State ng season-best 63 points, at nakapahinga sa fourth quarter sina Stephen Curry, Kevin Durant at starters ng Warriors.
Si Popovich, dismayado sa kanyang team na walang naisagot nang mag-absent si Leonard.
May ilang araw siyang mag-iisip ng paraan para makaahon mula sa 0-2 hole.